Information Technology na minsan tinatawag din na Information Communication Technology. Isang kursong may malaking kinalaman sa bagong daigdig. Kung saan ang mga walang alam sa modernong bagay ay napag-iiwanan. Kurso na nag-aaral at nagpapakadalubhasa sa computer. Ngunit ano nga ba talaga ang hinaharap ng isang I.T Graduate? Saan nga ba patungo ang kanilang buhay pagkatapos ng apat na taong pag-aaral sa kolehiyo?
Isa akong 2nd year college na kumukuha ng kursong Information Technology sa isang Unibersidad. Habang tumatagal napapaisip ako kung ano nga ba ang patutunguhan ko pagktapos ko sa kolehiyo? Halos lahat ng mga tao ngayon ay aware nasa computer lalo na ang mga kabataan. Kahit mismo ang mga nasa Elementarya, yung iba nga daig pa ako. Sa panahon ngayon, sa Elementarya pa lang may subject ng computer. Hinuhubog na ang mga bata sa bagong daigdig. Lahat din ng kurso ngayon, may subject ng computer. Yung mga may computer sa bahay, kahit hindi Information Technology ang kinukuha, maaring magkaroon ng kaalalaman na higit pa sa mismong I.T Student. Kung eksperto na ang lahat ng kabataan ngayon sa paggamit ng computer, lalong madadagdagan ang kakompetensya namaing mga I.T. Anu-ano nga ba ang mga trabaho na maari naming mapasukan? Karamihan kasi sa Nakilala ko na nakatapos ng Information Technology, nahihirapang humanap ng mapapasukan. Mayroon rin naman na nauwi na lamang sa pagtuturo. May estudyante nga sa unibersidad na aking pinapasukan, popular siya sa aming paaralan, dahil na rin siguro sa kanyang leadership. Naisip ko nga na malayo ang kanyang mararating sa oras na siya ay makatapos. Ngunit laking gulat ko na lamang na muli ko s'yang makita sa aming Unibersidad, hindi na bilang edtudyante, kundi isang professor. Ganun ba kadali na makapasok bilang isang professor ang isang bagong graduate? Kung ganun nga, bakit sa dinamidaming Unibersidad sa Pilipinas na maaring mapasukan, yung Unibersidad kung saan s'ya nagtapos ang pinili n'ya? Hindi naman lingid sa kaalaman n'ya na hindi pa ganun kakilala at nagsisimula pa lamang ang unibersidad namin. Sa katotohanan nga, bukod sa hindi sapat ang sweldo ng mga professors, madalas pa itong nadedelay. Ganun n'ya ba kamahal ang kanyang Alma Mater kaya ito ang napili n'ya o wala lamang siyang magawa dahil sa wala na s'yang ibang mapasukan? Nagkaroon na rin ako ng oportunidad na makahalubilo ang mga tao na ang propesyon ay may kinalaman sa computer. Sa isang seminar sa hotel. Yung iba nga, hindi information technology ang tinapos, pero ang propesyon ay nakatuon sa computer. Nakausap ko din ang mga ibang propesyunal na nagtapos sa kursong information Technology. Freelancer ang karamihan sa kanila. Sarili lang ang inaasahan upang kumita ng pera. Kung saan walang kompanya nag humahawak sa kanila. Tinatawagan lamang sila kung may ipapagawang website, program, operating system at iba pa. Tinanong ko kung malaki ang kita, ang karamihan sa sinagot nila, "Mahirap pero malaki ang kita ngunit bihira." Tumanim sa Isip ko ang mga katagang iniwan nila sa akin. "Ang isang Information Technology graduate, upang makatayo sa bagong daigdig, sariling sikap at maraming kakilala ang kailangan." Ilan pa sa mga prepesyon ng I.T graduates, consultant, professor at sa call center. Bilang Information Technology student magiging freelancer din ba ako, consultant, magtatrabaho sa call center o magiging professor sa isang unibersidad? Ano nga ba ang patutunguhan ko pagkatapos ng apat na taon na pag-aaral? sana may pangangailangan pa sa I.T graduates sa panahon na iyon.
Information Technology. Inaakala ng karamihan na kapag ito ang tinapos mo, madali para sayo ang humanap ng trabaho, dahil nga karugtong nito ang pagkabihasa sa computer. Ngunit kahit sino ay maaring maging bihasa sa computer, libro at personal na computer lamang ang kailangan. Pubos na ang pangangailangan sa kursong ito, sana makaabot pa tayo. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa. Dapat na patunayan natin na maraming magagawa ang isang Information Technology graduates.

17 comments:
"Ganda naman ng post mo, Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit!" -ma'am anne
pwede din mag patayo ng sarili nating computer shop at ikaw narin mag aayos ng mga computer kasi alam mo na kung paano ayusin kasi nakapag tapus kana ehh... wag mawalan ng pag asa...
Madali Po ba Ang IT
share kolang ako ni nanais kodin pong maging IT pero nung nabasa kopo yan parang nag dadalawang isip po ako
Pag I.T PO ba di pwdi sumali sa exam ng pnp
Ako ng bsit kukunin ko pag natapos kona ung 4 years mag tatake ako ng exam ng pnp kung sakaling maipasa ko un mag aaply ako
Super doopeer relate im an IT graduate till now i dont have stable job
Hindi sobrang hirap gagawa ka ng website and system
Mahitap kung alam nyo lang :(
Freshman IT student po ko. At na feel ko po na I really made the wrong choice. Pero matutunan din naman po lahat so wag mabahala. Be optimistic lang tayo lagi samahan ng perseverance. Ang kailangan po talaga ng isang IT/Comsci student ay marunong mag solve ng problems at isa pa ay nangangailangan ng malikhain na pag iisip.
Im just curious po. If teacher po, ang tawag ay Prof. (Insert name) or Teacher (Insert Name), lapag po ba programmer or coder, ano po tawag??? Thank youu!
Ano po ba ang mga ginagawa ng isang IT sa koleheyo? Alin po ba ang mas better IT or HRM? I need suggestions po plsss
HRM mababaliw ka sa IT
IT student ako ngayon pero mag sesecond year nako wala padin akong naiintindihan hahahahaa
Same hahahaha
Pwede po ba mag exam sa napolcom ang it grad.?
ANO ANG KURSONG INFORMATION TECHNOLOGY?
Post a Comment