Friday, October 3, 2008



Tradisyunal na Laro Nasapawan ng Computer Games

Kasabay ng pagiging moderno ng daigdig, nagsulputan din ang iba't-ibang computer games na kinababaliwan ngayon ng mga kabataan. Dahil dito, unti-unti ng nakakalimutan ang mga tradisyunal na laro na pamana pa ng ating mga ninuno. Dahil din sa pagkaadik ng mga Kabataan sa computer games, maging ang kanilang pag-aaral ay napapabayaan na rin nila.

Pinasimulan ng Counter strike, Battle Realms,Yuri's revenge,
NBA live at the sims ang mga computer games na kinabaliwan ng mga kabataan. Sinundan pa ito ng mga online games na lalong kinabaliwan ng mga kabataan. Inumpisahan ng ayaw patalong Ragnarok. isang uri ng laro kung saan pwede mong makahalubilo ang mga iba pang naglalaro ng games na ito sa pamamagitan lamang ng computer. Ngunit napakagastos ng laro na ito. Parang cellphone na kailangang Loadan. Sinundan na ito ng mga online games na tulad ng Flyff, Ran, Gunbound, Auto Jam, Audition at marami pang iba. Ngayon DOTA ang isa sa mga laro sa computer na kinalolokohan ng kabataan. Mula umaga hanggang gabi, hindi nila tinatantanan ang paglalaro nito. Pagkatapus ng klase diretso agad ang mga kabataan sa computer shop upang maglaro ng Dota. Minsan pa nga, para lang makapaglaro ng nasabing computer games, pinipili pa nila na magcutting classes. ang masama pa rito, ginagawang sugal ang larong ito ng ibang mga kabataan. Nagpupustahan sila ng pera at ibibigay sa grupo na magwawagi. Ito ba ang mga laro na ipapalit natin sa mga tradisyunal na laro? Sa mga tradisyunal na laro hindi na natin kailangang gumastos upang makapagsaya. Hindi lang yun, mapapalakas pa nito ang ating katawan. Sa pamamagitan nito lalakas ang ating resistensya. Hindi tulad ng mga computer games na maaring makapagdulot ng iba't-ibang negatibong epekto. tulad na lamang ng pagkalabo ng mata, paghina ng resistensya at madami pang iba.

Hindi naman masama ang paglalaro ng mga computer games, pero sana naman wag nating kalimutan ang mga tradisyunal na laro na parte na ng ating kultura. Subukan ulit natin maglaro ng patintero, matayataya, agawan base, bangsak, tagu-taguan, tumabang preso, sipa at madami pang iba. Balikan natin ang nakaraan kung saan nabuo ang unang pagkakaibigan, pagtatawanan at higit sa lahat ang pagkatuto sa tunay na laro ng buhay.

1 comment:

admin said...

İndirmeden oynanan oyunlar mı arıyorsun? Tıkla: indirmeden oynanan oyunlar