Monday, October 6, 2008

Ano nga ba Talaga ang Computer?

Ang modernong pagpapakahulugan sa computer ay isang electronic, programmable device na may kakayahang makapagstore, makapagretrieve at magproseso ng mga data. Kung iintindihin nating mabuti, maya limang elemento ang isang computer. Electronics, programmable, kakayahang makapagstore, retrieve at magproseso ng data. Sa madaling salita computer ang isang bagay kung napapaloob dito ang limang elementong ito.

Ang computer ay dapat na pinapatakbo ng kuryente,"Electronics". Dapat din na may kakayahang makapagprogram o sumunod sa instruction batay sa program ng computer,"Programmable". Hindi lang iyon, ang computer ay may kakayahang makapagstore ng mga impormasyon na maaring magamit ulit. Kaugnay ng kakayahang makapagstore ang kakayahang makapagretrieve ng data. Ang huli ay kakayanhang makapagproseso ng mga impormasyon. Kapag ang limang ito ay nasa isang bagay, masasabi natin na ang bagay na ito ay isang computer.

Hindi ibig sabihin na kapag ang isang bagay ay may kakayahang makapagcompute, isa na itong computer. Hindi porket magkatunog ang compute at computer ay iisa na ito. Masasabi natin na ang abacus ay hindi talaga computer, maging ang ibang bagay na nakakapagcompute. Tulad ng pagbibilang sa daliri at simpleng calculator. Hindi sila computer dahil hindi nila nakumpleto ang mga basihan upang tawaging computer.

Friday, October 3, 2008



Tradisyunal na Laro Nasapawan ng Computer Games

Kasabay ng pagiging moderno ng daigdig, nagsulputan din ang iba't-ibang computer games na kinababaliwan ngayon ng mga kabataan. Dahil dito, unti-unti ng nakakalimutan ang mga tradisyunal na laro na pamana pa ng ating mga ninuno. Dahil din sa pagkaadik ng mga Kabataan sa computer games, maging ang kanilang pag-aaral ay napapabayaan na rin nila.

Pinasimulan ng Counter strike, Battle Realms,Yuri's revenge,
NBA live at the sims ang mga computer games na kinabaliwan ng mga kabataan. Sinundan pa ito ng mga online games na lalong kinabaliwan ng mga kabataan. Inumpisahan ng ayaw patalong Ragnarok. isang uri ng laro kung saan pwede mong makahalubilo ang mga iba pang naglalaro ng games na ito sa pamamagitan lamang ng computer. Ngunit napakagastos ng laro na ito. Parang cellphone na kailangang Loadan. Sinundan na ito ng mga online games na tulad ng Flyff, Ran, Gunbound, Auto Jam, Audition at marami pang iba. Ngayon DOTA ang isa sa mga laro sa computer na kinalolokohan ng kabataan. Mula umaga hanggang gabi, hindi nila tinatantanan ang paglalaro nito. Pagkatapus ng klase diretso agad ang mga kabataan sa computer shop upang maglaro ng Dota. Minsan pa nga, para lang makapaglaro ng nasabing computer games, pinipili pa nila na magcutting classes. ang masama pa rito, ginagawang sugal ang larong ito ng ibang mga kabataan. Nagpupustahan sila ng pera at ibibigay sa grupo na magwawagi. Ito ba ang mga laro na ipapalit natin sa mga tradisyunal na laro? Sa mga tradisyunal na laro hindi na natin kailangang gumastos upang makapagsaya. Hindi lang yun, mapapalakas pa nito ang ating katawan. Sa pamamagitan nito lalakas ang ating resistensya. Hindi tulad ng mga computer games na maaring makapagdulot ng iba't-ibang negatibong epekto. tulad na lamang ng pagkalabo ng mata, paghina ng resistensya at madami pang iba.

Hindi naman masama ang paglalaro ng mga computer games, pero sana naman wag nating kalimutan ang mga tradisyunal na laro na parte na ng ating kultura. Subukan ulit natin maglaro ng patintero, matayataya, agawan base, bangsak, tagu-taguan, tumabang preso, sipa at madami pang iba. Balikan natin ang nakaraan kung saan nabuo ang unang pagkakaibigan, pagtatawanan at higit sa lahat ang pagkatuto sa tunay na laro ng buhay.

Thursday, October 2, 2008

Ano ang Hinaharap ng Isang I.T Graduate?

Information Technology na minsan tinatawag din na Information Communication Technology. Isang kursong may malaking kinalaman sa bagong daigdig. Kung saan ang mga walang alam sa modernong bagay ay napag-iiwanan. Kurso na nag-aaral at nagpapakadalubhasa sa computer. Ngunit ano nga ba talaga ang hinaharap ng isang I.T Graduate? Saan nga ba patungo ang kanilang buhay pagkatapos ng apat na taong pag-aaral sa kolehiyo?

Isa akong 2nd year college na kumukuha ng kursong Information Technology sa isang Unibersidad. Habang tumatagal napapaisip ako kung ano nga ba ang patutunguhan ko pagktapos ko sa kolehiyo? Halos lahat ng mga tao ngayon ay aware nasa computer lalo na ang mga kabataan. Kahit mismo ang mga nasa Elementarya, yung iba nga daig pa ako. Sa panahon ngayon, sa Elementarya pa lang may subject ng computer. Hinuhubog na ang mga bata sa bagong daigdig. Lahat din ng kurso ngayon, may subject ng computer. Yung mga may computer sa bahay, kahit hindi Information Technology ang kinukuha, maaring magkaroon ng kaalalaman na higit pa sa mismong I.T Student. Kung eksperto na ang lahat ng kabataan ngayon sa paggamit ng computer, lalong madadagdagan ang kakompetensya namaing mga I.T. Anu-ano nga ba ang mga trabaho na maari naming mapasukan? Karamihan kasi sa Nakilala ko na nakatapos ng Information Technology, nahihirapang humanap ng mapapasukan. Mayroon rin naman na nauwi na lamang sa pagtuturo. May estudyante nga sa unibersidad na aking pinapasukan, popular siya sa aming paaralan, dahil na rin siguro sa kanyang leadership. Naisip ko nga na malayo ang kanyang mararating sa oras na siya ay makatapos. Ngunit laking gulat ko na lamang na muli ko s'yang makita sa aming Unibersidad, hindi na bilang edtudyante, kundi isang professor. Ganun ba kadali na makapasok bilang isang professor ang isang bagong graduate? Kung ganun nga, bakit sa dinamidaming Unibersidad sa Pilipinas na maaring mapasukan, yung Unibersidad kung saan s'ya nagtapos ang pinili n'ya? Hindi naman lingid sa kaalaman n'ya na hindi pa ganun kakilala at nagsisimula pa lamang ang unibersidad namin. Sa katotohanan nga, bukod sa hindi sapat ang sweldo ng mga professors, madalas pa itong nadedelay. Ganun n'ya ba kamahal ang kanyang Alma Mater kaya ito ang napili n'ya o wala lamang siyang magawa dahil sa wala na s'yang ibang mapasukan? Nagkaroon na rin ako ng oportunidad na makahalubilo ang mga tao na ang propesyon ay may kinalaman sa computer. Sa isang seminar sa hotel. Yung iba nga, hindi information technology ang tinapos, pero ang propesyon ay nakatuon sa computer. Nakausap ko din ang mga ibang propesyunal na nagtapos sa kursong information Technology. Freelancer ang karamihan sa kanila. Sarili lang ang inaasahan upang kumita ng pera. Kung saan walang kompanya nag humahawak sa kanila. Tinatawagan lamang sila kung may ipapagawang website, program, operating system at iba pa. Tinanong ko kung malaki ang kita, ang karamihan sa sinagot nila, "Mahirap pero malaki ang kita ngunit bihira." Tumanim sa Isip ko ang mga katagang iniwan nila sa akin. "Ang isang Information Technology graduate, upang makatayo sa bagong daigdig, sariling sikap at maraming kakilala ang kailangan." Ilan pa sa mga prepesyon ng I.T graduates, consultant, professor at sa call center. Bilang Information Technology student magiging freelancer din ba ako, consultant, magtatrabaho sa call center o magiging professor sa isang unibersidad? Ano nga ba ang patutunguhan ko pagkatapos ng apat na taon na pag-aaral? sana may pangangailangan pa sa I.T graduates sa panahon na iyon.

Information Technology. Inaakala ng karamihan na kapag ito ang tinapos mo, madali para sayo ang humanap ng trabaho, dahil nga karugtong nito ang pagkabihasa sa computer. Ngunit kahit sino ay maaring maging bihasa sa computer, libro at personal na computer lamang ang kailangan. Pubos na ang pangangailangan sa kursong ito, sana makaabot pa tayo. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa. Dapat na patunayan natin na maraming magagawa ang isang Information Technology graduates.